Masasabi kong ako'y guro na may pasensya at konsiderasyon sa aking mga mag-aaral. Kalakasan ko ang wikang Filipino lalo't higit ang maituro ito sa mga nais nitong matuto. Ako'y isang lisensyadong guro.
Nais kong turuan ang mga nag-aaral ng Tagalog na mga banyaga. Sa pag-aaral ng Filipino (Tagalog), tayo ay magsisimula sa pagbigkas ng bawat titik hanggang sa kaya na nating basahin ang isang salita, patungo sa pangungusap.
Ako ay nagbibigay muna ng mga gawaing may kinalaman sa tatalakaying aralin. Pagkatapos ay magsisimula na ang mag-aaral sa pag-unawa ng naganap na gawain. Sa kanyang pagkatuto ay may inihanda muling pagsusulit.