Kamusta? Ang pangalan ko ay Shara May. Pwede mo ako tawaging Shara.
*Mayroon akong apat na taong karanasan magturo sa lahat ng antas
*Nagtamo na rin ako ng TEFL na sertipiko
*Ang aking kurso noong kolehiyo ay patungkol sa Linggwahe at nagtapos ako na maraming karangalan
*masaya ako kausap at kasama
Mahal ko ang pagtuturo kasi sibrang interesado ako dito. Lagi kong sinisguradong masaya ang aking mga klase. Lagi akong nagkekwento tungkol sa maraming lugar at kultura. Masaya rin akong makipagkwentuhan tungkol sa iba't-ibang klase ng pagkain. Sana makita kita sa aking klase.
*Pakikipagbaliktaktakan
*Malayang usapan tungkol sa kahit anong bagay na maisip natin
*Linggwahe na magagamit sa paglalakbay at kultura ng maraming bansa
*Pagtukoy at pagbibigay detalye sa mga larawan
*Tagalog para sa lahat ng antas
Gusto ko laging parang kwentuhan lang ang aking klase.Lagi kong pinapagsalita ang aking mga estudyante pero sinisigurado kong kumportable sila para magkaintindihan kami. Pangunahing layunin ko ay ang matuto habang sumasaya ang akin mga mahal na estudyante. Tara, samahan mo ako sa aking klase.