Hello, ako si Ella, at taga Pilipinas ako. Marami na akong karanasan sa pagtuturo ng Ingles, Tagalog, at Cebuano. Nagtapos ako ng Bachelor in Secondary Education major in English at Masters Graduate major in Educational Management.
Matutulungan kita sa lahat ng gusto mong malaman at pag-aralan sa Tagalog.
Marami akong mga gamit sa pagtuturo para makatulong sa'yong pag-aaral.
Gagamit tayo ng PowerPoint Presentation o kaya MIcrosoft Word at kung ano pang makakatulong para maging maayos ang iyong pag-aaral at mapabilis ang iyong kaalaman sa Tagalog.