* 3 taong karanasan sa pagsalin ng Tagalog-Ingles o bisebersa
* 6 na taon sa pagtuturo ng ESL sa mga dayuhan
* Nagbibigay ng mga libreng materyales sa pag-aaral
* Klase na naaayon sa pangangailangan o hiling ng studyante
Makamit ang mga sumusunod:
1. Pagkatapos ng isang klase, matututo ka ng mga salita at pangungusap sa Tagalog
2. Maging mahusay sa pagsasalita ng Tagalog pagkatapos ng ilang klase
3. Matutong magsulat ng mga wastong pangungusap sa Tagalog
Sumali sa aking klase at makatanggap ng libreng:
1. Materyales na babasahin at pakikinggan para pag-aralan
2. Materyales na sasagutan bilang pagsasanay
3. Mga payo at halimbawa para umunlad ang pag-aaral
Ako ay isang gurong maaasahan. Ako ay masayang kausap na pakiramdam mo ay parang kaibigan. Seryoso ako sa aking trabaho at sinisiguro kong mayroon kang matutunan.
Marami na akong naisalin na mga sulat mula sa Ingles tungo sa Tagalog. Mahilig din akong magsulat ng mga kwento sa Tagalog noong ako'y nag-aaral pa. Sanay na akong magturo sa mga dayuhan.
Imensahe sa akin ang iyong mga hiling bago magsimula ang ating klase.