*Propesyunal at lisensyadong guro mula 2011
*Lahat ng antas at edad ng estudyante ay kaya kong turuan
*Praktikal at komprehensibong mga paksa ang aking itinuturo
*Angkop ang mga aralin para sa mga mag-aaral
Tinitiyak kong naiintindihan ng mga mag-aaral ang bawat aralin sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga drill at pagsasanay ayon sa kanilang pagkaunawa at antas ng edad.
1. Ang Mga Salitang Filipino
2. Mga Pangungusap
3. Komunikasyon sa Wikang Filipino
Ang mga aralin ay itinuturo sa paraang madaling maintindihan ng mga mag-aaral. Pormal at di-pormal na komunikasyon ang layunin na matutunan ng estudyante.
Isa akong lisensyadong guro sa sekundarya mula 2011. Siyam na taon na akong nagtuturo ng Ingles at Filipino (Tagalog) sa mga empleyado at mga mas bata pang mag-aaral.
Tungkol sa paggamit ng lengwahe sa pang-araw araw na komunikasyon, komersyo, at pormal na pagpupulong ang hinahasa sa kaalaman ng mag-aaral.